Biyernes, Marso 14, 2014

"Secret"


                 Nais kong ibahagi sa inyo ang palabas na ito at para sakin, ito ang may pinakamagandang istoryang napanood ko sa buong buhay ko. Ito ay tungkol sa isang piano na may kakaibang kapangyarihan na pwede kang pumunta sa hinaharap kapag tinugtog mo ang musika nito. Kailangan marunong kang tumugtog ng piano at mabilis mo itong maitutugtog para pumunta sa hinaharap at kailangan mo din bilisan pa para bumalik sa nakaraan. Ito ay simple pero magandang storya tungkol sa pag-ibig at pamilya.
                 Napakaganda nitong palabas na ito para sakin dahil sa nakakaaliw nitong mga musika at kakaibang plot nito. Humanga din ako dito sa bidang lalaki dahil siya na rin ang direktor nitong palabas na ito. Naturingan itong "Best Asian Film" at inaanyayahan ko kayong manood nito dahil talagang nakakahanga ang palabas na ito at magagaling ang mga aktor at aktres. :)











Walang komento:

Mag-post ng isang Komento