Biyernes, Marso 14, 2014

"Quote of the Day"




Ano nga ba ang pwede nating maramdaman pagkakita o pagkabasa natin sa mga salitang ito? Hanga, tuwa, lungkot, ewan? Haha! Para sakin ako ay hahanga dahil totoo ang mga sinasabi dyan. Hindi lahat ng tao pwede maging masaya. Kailangan may lungkot din tayong maramdaman. Hindi rin naman lahat ng artista magaganda ang nangyayari. Minsan may mga masasamang bagay din silang nararanasan. Kahit gusto na lang natin maging masaya lagi, hindi ito maaring mangyari. Sabi nga nila, walang kasiyahan kung walang kalungkutan. Totoo naman yon. Lahat kasi ng bagay may limitasyon. Hindi lahat ng gusto natin napupunta satin at hindi lahat ng napupunta satin ginusto natin. Ano nga bang pinaglalaban ko? :P Sinasabi ko lang dito na wag tayo masyadong ihugpong ang sarili natin sa isang tao. Lalo na kung iiwan ka rin naman nila diba? At gawin niyong makabuluhan ang buhay niyo. Saglit lang yan at di natin namamalayan na unti-unti na tayong tumatanda. Mabilis lang ang panahon at meron din panahon kung saan na tayo talaga magiging masaya. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento