Biyernes, Marso 14, 2014

"Quote of the Day"




Ano nga ba ang pwede nating maramdaman pagkakita o pagkabasa natin sa mga salitang ito? Hanga, tuwa, lungkot, ewan? Haha! Para sakin ako ay hahanga dahil totoo ang mga sinasabi dyan. Hindi lahat ng tao pwede maging masaya. Kailangan may lungkot din tayong maramdaman. Hindi rin naman lahat ng artista magaganda ang nangyayari. Minsan may mga masasamang bagay din silang nararanasan. Kahit gusto na lang natin maging masaya lagi, hindi ito maaring mangyari. Sabi nga nila, walang kasiyahan kung walang kalungkutan. Totoo naman yon. Lahat kasi ng bagay may limitasyon. Hindi lahat ng gusto natin napupunta satin at hindi lahat ng napupunta satin ginusto natin. Ano nga bang pinaglalaban ko? :P Sinasabi ko lang dito na wag tayo masyadong ihugpong ang sarili natin sa isang tao. Lalo na kung iiwan ka rin naman nila diba? At gawin niyong makabuluhan ang buhay niyo. Saglit lang yan at di natin namamalayan na unti-unti na tayong tumatanda. Mabilis lang ang panahon at meron din panahon kung saan na tayo talaga magiging masaya. :)

"Secret"


                 Nais kong ibahagi sa inyo ang palabas na ito at para sakin, ito ang may pinakamagandang istoryang napanood ko sa buong buhay ko. Ito ay tungkol sa isang piano na may kakaibang kapangyarihan na pwede kang pumunta sa hinaharap kapag tinugtog mo ang musika nito. Kailangan marunong kang tumugtog ng piano at mabilis mo itong maitutugtog para pumunta sa hinaharap at kailangan mo din bilisan pa para bumalik sa nakaraan. Ito ay simple pero magandang storya tungkol sa pag-ibig at pamilya.
                 Napakaganda nitong palabas na ito para sakin dahil sa nakakaaliw nitong mga musika at kakaibang plot nito. Humanga din ako dito sa bidang lalaki dahil siya na rin ang direktor nitong palabas na ito. Naturingan itong "Best Asian Film" at inaanyayahan ko kayong manood nito dahil talagang nakakahanga ang palabas na ito at magagaling ang mga aktor at aktres. :)











Huwebes, Marso 13, 2014

Ako Ako Ako! ^_^

TUNGKOL SA AKIN
Name: Karolyn Antoinette S. Villela
Palayaw: Kaira/Kai
Edad: 14

Kasarian: Babae
Kaarawan: ika-11 ng Hunyo sa taong 1999
Ama: Aaron A. Villela

Ina: Maria Evelyn S. VIllela

MGA PABORITO
Sine: Madami eh pero mahilig ako sa mga palabas na tungkol sa pag-ibig, pamilya at mga may aral sa buhay. :)
Mga Palabas sa TV: Parang ganun din sa sine. XD
Aktor: Jang Geun Suk (Koreano si koyaaa! :>) at madami pang iba. 
Aktres: Park Shin Hye (HAHA! Mga tao, koreana naman po siya. XD) at madami pang iba.
Isport: Putbol o Basketbol *O*
Food: Pizza, Manok, Sorbetes at madami pang iba. (nom nom)
Mga Gustong Puntahan: Seoul, South Korea at Paris, France 



MGA OPINYON
Mag-pangalan ng isang bagay na hindi kailanman o bihira ka mayamot o mainip?
Hinding-hindi ako maiinip sa pag-spazz/pag-fangirl sa KPOP. ^_^
Mayroon bang isang kathang-isip na karakter mula sa isang pelikula, palabas sa TV, o ng nobelang mong hilingin umiral sa tunay na buhay?
Umm, pwede bang si Prince Charming na lang? XD
Kung mayroong isang bagay na maaari mong baguhin ang tungkol sa iyong sarili, ano iyon?
Ang apelyido ko po. Pwede bang maging Kim na? Haha biro lang. Nagets niyo ba? Lol. XD
Anong kapangyarihan ang gusto mong magkaroon ka?
Gusto ko magkaroon ng kapangyarihan na nakakapaglakbay sa nakaraan, kasalukuyan at sa hinaharap. :)))



IBA PANG TUNGKOL SA AKIN
Ilarawan ang iyong sarili.
Simpleng tao. :)
Ikaw ba  ay kasalukuyang solo, may-asawa, "may boyfriend," o wala sa itaas?
Maraming asawa pero hindi nila alam. Haha biro lang uleeeee. Jusko po! (buhay fangirl iyan eh) :( XD
Sino ang iyong crush?
Si tututurututu. Haha! :P
Ano ang iyong pinakamasamang ugali?
Siguro madamot ako minsan? XD
Ano ang iyong pinakamalaking pagsisisi?
Wala kasi lahat naman ng bagay may dahilan. =)



AKO BA AY
Papalabas o mahiyain: Mahiyain ako sa una pero pag naging malapit na tayo sa isa't isa boom! ;)
Organisado o desorganisado: Organisado ako kasi para maayos tignan. :3
Seryoso o masayahin : Parehas. Hahaha! :D
Masipag mag-aral o walang inaalala: Minsan masipag mag-aral pero minsan din walang inaalala. XD

Ang iyong estilo ba ng katatawanan ay palabiro, mapang-uyam, saynete, walang isip, baliw o simpleng payak lang?: Mapagbiro ako tas may pagkabaliw-baliwan din minsan. HAHA! :D
Mahilig sa Papel o Plastik: Ayoko sa mga plastik. Ayoko din sa mapapel. Pero kung bagay man yan edi papel na lang. :))
Mahilig sa Pusa o Aso: Asoooo! Nakalmot ako ng pusa eh. :(




Annyeong haseyo! Hello! Kumusta? Naintindihan niyo ba yung mga pinagsasagot ko? HAHA! Maligayang pagdating nga pala sa blog ko at ito'y libreng-libre bisitahin at tignan. :))))) Yun lamang salamaaaat! ^.^